Papa, is away and working abroad for so long and still working nowadays. Sadly, meron siyang sakit ngaun. sabi ni Nanay, may sakit daw siya sa Baga, tapos ung puso niya bigla daw lumaki sabi ng doktor and di niya magalaw ang kanyang mga paa. Sigarilyo kasi ng sigarilyo, kahit inaawat na siya ni nanay. Siya ang pinaka ma pride na taong nakilala ko, kapag gusto niya gagawin niya. Si Papa nag wowork abroad morethan 25 years di pa ako na papanganak nag tratrabaho na siya dun, di naman na kalakasan papa ko para mag work na pero mapilit talaga siya! Siya ang dahilan kung bakit meron kaming maayos na buhay ngaun at kung bakit kami nakatapos ng pag aaral nila ate! At sila din ang dahilan kung bakit kami nag tratrabaho ngaun. He worked so hard to give us perfect life (in our own ways)! He did everything for us, I mean everything! Kahit nung huling uwi nia dito galing abroad ang payat payat at nang hihina na siya pag nagbubuhat ng mabibigat na bagay. Ang masakit at nakakalungkot sa part namin, eh di namin siya kayang alagaan ngaun, di namin siya kayang bantayan, at ipakitang mahal na mahal namin siya sa mga oras na may sakit siya. Ang hirap isiping may mga bagay na dapat pa naming isaalan alang. Sana ang biyahe papuntang Saudi eh parang MRT lang na kahit 15 mins pede ko siyang puntahan at sabing mahal na mahal namin siya. At iparamdam kung gaano ako kaswerte siya ang naging Papa ko. Ang hirap lang isipin na wala akong magawa wala akong kayang ganwin kundi mag dasal at mag antay ng balita na maging ok siya. hindi ko naman magawang di mag isip sa kanya.. tatay ko un! mahal ko un!! naalala ko pa nung sinabi ko sa kanila na bakla ako, wala lang siya reaksyon, at ang maganda pa nun bigyan niya pa ako ng mga gamit pang babae at nag pakita ng suporta sakin. mahal na mahal ko ang papa ko, kung meron man ako isang lalaking mahal na mahal siya un wala ng iba! Pa, asan k man ngaun please be ok, please be safe!! gusto kitang puntahan jan pero pano!! di ko alam gusto kong alagaan ka habang anjan ka pero pano di ko kaya! gusto kong pag lingkudan ka gaya ng ginawa mo samin pero pano ang layo mo. gusto kong alalayan ka habang ng lalakad ka gaya ng pag alalay mo sakin nung bata ako pero pano, hindi kita kasama ngaun. gusto ko subuan ka ng pag kain habang nagugutom ka pero pano, hindi kita kayang ipagluto! pa ang sakit at ang hirap ng nararamdaman ko ngaun, naprapraning na ako di ko alam gagawin ko naapektuhan na trabaho ko di na ako nakakapag isip ng tama!! salamat sa mga taong nag mamahal sakin, sa TL Ms. Carla at OM Cza, sa mga concern, rose, jc, don, olyn, grace, rupert, coco, dadudz, archie, coco at sa lahat lahat ng concern! ok na ako!! thanks!! tulad nga ni Gat Jose Rizal, sa pamamagitan ng malayang pagsusulat mailalabas mo ang totoong nararamdaman ng kaibuturan ng iyong puso! God I lift up everything to you! |
Huwebes, Agosto 25, 2011
and i PRAY, Papa please be OK!! :(( :(( :((
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Don't worry Dave everything's gonna be alright.. I understand how you feel right now. God is good friend, have faith... olyn
TumugonBurahin