Martes, Agosto 16, 2011

Buhay ko, baka buhay mo din, ANG BUHAY CALL CENTER

tingnan natin ang mga katangian ng isang CALL CENTER AGENT

NOCTURNAL, yan ang unang tawag sa mga AGENT na nag wowork ng GRAVEYARD! Ang buhay na ginagawang Umaga ang gabi, ginagawang normal ang impossible. Ang buhay na pag tulog ang tanging puhunan para magkaroon ng matiwasay na boses at makapag trabaho ng wagas at naayon sa tama. Matutulog ka sa tirik na araw, maswerte ka na lang pag may AIRCON ka sa bahay. Ang buhay na akala ng iba ay napakadali at ni la-LANG nila! Kung kayo ang magiging nasa katayuan namin, masasabi niyong MAHIRAP pala talaga!
Ma pa, Inbound , Outbound or Tech Support man. Hindi madali ang buhay na ginagawa namin pag di ito akma sa normal na pamumuhay.
Ang trabahong madaming bagay bagay na dapat isakripisyo, oras sa pamilya, oras sa minamahal, oras sa kaibigan pero buti na lang nakakagawa kami ng paraan para mag bigay ng Oras sa may kapal.
Sabi ng iba, "Kape, na ang dumadaloy sa dugo namin" sabi ko naman "makitang buhay at masaya ang aming pamilyang natutulungan, okay na kaming mamatay at ituring niyong bampira". hahaha mga katatagang kakatuwa pero ang totoo, sila ang dahilan kung bakit kami bumabangon.
Pero maraming klase ng tao sa Buhay Call center!
Tingnan mo baka isa ka sa kanila!

A. Ang taong di tanggap ng karamihan dahil sa taglay nitong "may-kapansanan", sila ang tipo ng taong kailangan ng kaibigan at kailangan ng pang unawa! Hindi man maganda ang kanila panlabas na kaanyuhan, subukan mong ipikit ang iyong mga mata baka madama mo ang kaibuturan ng puso niyang kay ganda!

B. Ang mga "BECKY", di matatanggi sila ang buhay ng tropa, ang nagbibigay ngiti sa malalim na hating gabi at napapawi ang antok at pagod habang ikay nagtratrabaho, pero lingid sa inyong kaalamanan sila ay may kanya kanyang lakad pag natapos na at nag uwian!

C. Ang mga "PEPPER MINT" at "BISEXUAL", napaka daming taong ganto sa call center, mga kababaihang puso na tinatago ang sarili sa lalaking katawan or vice versa. Kagaya ng mga becky, sila ay may lakad pag uwian na! Sila rin ay matuturing nating FASHION TRENDERS sa mga kalalakihan. Mga mapormang tao pero di puro gaya ng ginto!

D. Ang mga "OLDIE but GOODIE", sila ang mga matatangdang nag tratrabaho sa industriya na lagi naman talagang nakikisama at nakikibagay, minsan hingian ng payo at ng kwento. Sila ang matanda sa grupo pero di pahuhuli sa mga lakad!

E. Ang mga "TUMADOR", ang mga taong inuman ang iniisip tapos man or di pa tapos ang trabaho, karamihan sa mga taong to ay mga rakista, walang obligasyon sa buhay, at puro saya ang hanap pag katapos ng trabaho, halos mga nasama sa gantong gala ang mga FREE TASTE people!

F. Ang mga "FREE TASTE", sila ang mga taong mahilig sa sex, sex at sex! mga mahilig mag inum at fashionista pero di nawawala ang pakikipag 1 night stand nila! Dun sila masaya anung magagawa natin diba?! sila ang mga suki ng motmot at ibat ibang bar! ayoko na mag salita ng kung ano pa!

G. Ang mga "SHIBOLI", kung may mga becky, may mga shiboli, na masasabi nating, one of the boys, tahimik pero makulit sa mga tropa nila at ka close na. Hindi din natin matatanggi na sila ay mabait at  laging nasa gilid lang, pero pag kailangan mo ng kausap anjan naman sila at di mang ssnob!

H. Ang mga "GREAT PRETENDERS", sa industriyang ito madaming manloloko, kala mo matino, kala mo totoo, un pala gago. sila ung tipo ng taong mahilig manlamang sa kapwa at manloko ng tao! Mahilig mang iwan ng kompanya sa di tamang dahilan para makalipat na sa iba!

I. Ang mga "COMPUTER WIZARD",  kahit anung galing ng IT sa isang kompanya di parin uubra sa isang computer wizard, magagawa at magagawa nitong makapag online sa FB, Twitter, at maka pag BLOG, kahit anung Block ang gawin nila. Mautak pa nga ata sila sa IT hahahaha!

J. Ang mga "So so so", naghahanap-buhay at nag sisikap para sa mahal nila sa buhay. At dahil meron silang pangrap, di para sa sarili kundi para sa taong mahal nila! gumagawa ng tama at ayun sa batas ng kompanya. mga matitinong empleyadong matuturing!

K. Ang mga "PAMPAINIT", ang mga HOT na tao, lalaki man o babae, becky o shiboli, sila minsan ang nagiging dahilan kung bakit nagiging makabuluhanan ang pag tratrabaho, ang mag sisilbing inspirasyon sa kapwa ahente nila. isang sulyap isang ngiti talaga namang nakakatanggal ng pagod at antok!

Alam ko madami pang ibang ugali or pag katao sa industriya, dahil dito matanda o bata pantay pantay, may tattoo or wala may trabaho ka! Kailangan nga lang marunong kang makaintindi ng english at makapag salita ng wikang banyaga!

Pero ang lamang lang namin sa ibang trabaho, malaki ang sweldo namin sa inyo!

ikaw anung buhay mo?!

1 komento: